Posts

AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA DISPORA/ MIGRASYON: SARAH

APRIL JOY G. NILLOS BSCRIM 2C AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA DISPORA/ MIGRASYON: SARAH 1. Ano Ang ibig sabihin ng migrasyon- disintegrasyon? Ang migrasyon ay isanv nakakalat na populasyon na Ang pinagmulan ay mula sa isang mas maliit na lokasyon sa heograpiya. Ang pangyayaring ito ang prosesong ginagawa ng mga indibidwal manirahan o mamasukan sa ibang pook o bansa. 2. Ilahad Ang konsepti Ni Sarah sa OFW. Sa iyong palagay, paano niya nabuo ang gayong nagpalakahulugan sa OFW? Ang konsepto ni Sarah sa OFW ay mahirap, Hindi ganoon- ganoon lang at kung OFW ka Hindi makakapag-ipon, at pagnag-abroad mayaman. Nabuo niya ang ganitong pagpapakahulugan sa OFW dahil base na rin sa nararanasan ng kanyang Ate Meldy na ganon pa rin ang buhay. Wala silang nabiling bahay sa ibang lugar na kahit magtanda na sa kakatrabaho sa ibang bansa. 3. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? Ilahad ang mga gawaing nakaatang sa bawat isang miyembro ng pamilya ayon Kay Sarah. Ang konsepto ni Sarah sa pamilya ay sama-sa...

AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG PANGKAT MINORYA: SA BAKWIT ISKUL

APRIL JOY G. NILLOS BSCRIM 2C AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG PANGKAT MINORYA: SA BAKWIT ISKUL 1. Suriin ang sumusunod: a. Pamagat: Sa Bakwit Iskul b. Pangunahing Tauhan: Paking at Hanya c. Tagpuan: Paaralan o Bakwit Iskul 2. Ano- ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing Tauhan sa kuwento? Sa tradisyon ng mga Lumad, hindi pinapayagan ng kanilang tradisyon na makipagpalitan sa mga babae kahit pa mga bata. 3. Ano- ano ang mga karahasang nararanasan ng mga Lumad sa kwento? Pinapalayas ang mga Lumad sa kanilang komunidad, pinapatay, pinapalayas sa kanilang lupang ninuno at pinasasara ang mga Paaralan at sila'y tinatakot ng mga guro. 4. Ano ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa mundo ng mga Lumad ayon sa kuwento? Ang pangalan ng pangunahing tauhan ay Paking na hango sa isang mandirigma na nakipaglaban para sa mamamayang Lumad. 5. Paano pinatapang ng mga pangyayaring kanilang naranasan ang mga tauhan sa kuwento? Pinatapang ng mga pan...

AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA PANGKASARIAN: ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO

APRIL JOY G. NILLOS BSCRIM 2C AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA PANGKASARIAN: ANG PAGIGING BAKLA AY PAGKABAYUBAY RIN SA KRUS NG KALBARYO 1. Ipaliwanag ang pamagat Ng tula. Bakit gayin Ang sinasabi Ng may-akda sa pamagat? Ang tulang ito ay nagsasabi o ang nais ipahiwatig ng may-akda ang pagiging bakla ay kasalanan na kailangan bilang pagdusahan. Papasanin ang krus ng kalbaryo, tanggapin mo ang pangungutya ng ibang tao sayo kung ikaw ay bakla. 2. Sino ang sinasabi sa tulang iba't ibang mukha? Ano ang ginagawa nila? Ang kahulugan sa tulang iba't ibang mukha ay tumutukoy sa kasariang mayroon tayo sa ating lipunan. Lahat tayo ay nakaranas ng pangungutya ng ibang tao, may kapansanan ka man o wala. Mayroon talagang tao na walang magawa kundi ang manghusga. 3. Tukuyin ang mga sinasabi sa tulang likong kultura't tradisyon at bulok na paniniwala. Ang ibig sabihin ng liking kultura't tradisyon ay bulok na paniniwala, kapag alam nila na ikaw ay bakla iniisip nila na ikaw ay salot sa l...

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

Image
APRIL JOY G. NILLOS BSCRIM 2C PAGTATAYA GABAY SA PAGSUSURI 1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi? Ang personang nagsasalita sa tulang"Sanayan lang ang pagpatay" ay si Fr. Albert Alejo, SJ. Para sa sektor nating pumapatay ng tao. Inihahambing niya ang pagpatay ng tao kung paano patayin ang butiki. Nakuha niya sa kanyang tiyuhin kung paano balibagin ng tsinelas o pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa kanilang kisame. 2. Ano ang hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao? Ang hayop na pinapaslang sa tula ay butiki. Natutulad ito pagpaslang ng tao dahil parehas na mayroong rason kung bakit nabubuhay sa mundo. Sabi nga sa tula na maganda raw kung ikaw ay sanay na hindi mo nakikita, naririnig lamang na lumalangutngot. Para bang walang puso't awa kung makapatay. Hindi man lang iniisip na kapag ikaw naman sa ganong sitwasyon. 3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula? Ang ibig sabihin ng hul...

ISKWATER NI Luis G. Asuncion

Image
PAGTATAYA 1. Ano Ang sentral na paksa ng sanaysay? Ang sentral na paksa ng sanaysay ay iskwater. Lugar na kung saan nakatira ang mga taong walang sariling lupa na mapagtatayuan ng kanilang bahay dahil sa kahirapan. 2. Mayroon bang paksa na 'di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa. Oo, mayroong paksa na'di tuwirang tinalakay sa teksto. Halimbawa ay yung mga mayayaman na nakikipagsiksikan sa squatters' area na animo'y nagpapasikat pa. 3. Ano ang layuning may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag. Ang layunin ng may-akda sa pagtatalakay sa paksa ay maipabatid sa mambabasa o sa ating lahat na hindi alam ang kanilang sitwasyon kung gaano kahirap ang kanilang pagtira sa lugar ng iskwater. Kung bakit ganon na lang ang nangyari na dapat ay mahihirap o ang mga taong hindi kayang magpatayo ng kanilang tirahan dahil wala silang pera upang makabili ng sariling lupa subalit nagbago dahil sa biglang pagsulpot ng mga mayayamang tao na hindi Naman dapat manirahan sa is...

ISANG DIPANG LANGIT

KABANATA 1 GAWAIN 2 MUNGKAHING GAWAIN 1. Basahon at suriin ang mensahe ng tulang "ISANG DIPANG LANGIT" Ni Amando V. Hernandez. - Suriin kung anong uri ng tula? Anong teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri? Maaari ito ay isang tulang elihiya dahil ito ay nagsasaad ng matinding kalungkutan. Bayograpikal at historikal ang teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri dahil pinapakita ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa loob ng bilangguan at mayroon siyang pag-asa na may pagkakataon na mabago ang kanyang buhay. -Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa Tula. Inilalarawan ng persona sa tula ay isang madilim at puno ng lungkot ang kanyang buhay at walang humpay ang kanyang pananalig na malampasan niya ang mga pagsubok na kanyang kinakaharap. - Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bakit mo ito napili. Ngunit yaring diwa'y walang takot- hirap at batis pa rin itong aking puso: piita'y bahagi ng pakikimalas, mapiit...