SANAYAN LANG ANG PAGPATAY
APRIL JOY G. NILLOS BSCRIM 2C
PAGTATAYA
GABAY SA PAGSUSURI
1. Sino ang personang nagsasalita sa tula? Ano ang kanyang sinasabi?
Ang personang nagsasalita sa tulang"Sanayan lang ang pagpatay" ay si Fr. Albert Alejo, SJ. Para sa sektor nating pumapatay ng tao. Inihahambing niya ang pagpatay ng tao kung paano patayin ang butiki. Nakuha niya sa kanyang tiyuhin kung paano balibagin ng tsinelas o pilantikin ng lampin ang nakatitig na butiki sa kanilang kisame.
2. Ano ang hayop ang pinapaslang sa tula? Paano ito natutulad sa pagpaslang sa tao?
Ang hayop na pinapaslang sa tula ay butiki. Natutulad ito pagpaslang ng tao dahil parehas na mayroong rason kung bakit nabubuhay sa mundo. Sabi nga sa tula na maganda raw kung ikaw ay sanay na hindi mo nakikita, naririnig lamang na lumalangutngot. Para bang walang puso't awa kung makapatay. Hindi man lang iniisip na kapag ikaw naman sa ganong sitwasyon.
3. Ano ang ibig sabihin ng huling taludtud ng tula?
Ang ibig sabihin ng huling taludtud sa tula na "habang ako'y pumapatay, kayo nama'y nanobood" ay kahit nakikita natin ang taong pumapatay o pumapatay wala tayong magagawa dahil para bang matagal ang proseso ng hustisya lalong lalo na sa karapatang pantao. Ang panginoon nalang bahala dahil alam natin kung sino ang mga may Sala at siya na ang nakakaalam sa nararapat na hustisya.
4. Kanino iniaalay ng may-akda ang tula? Sino-sino kaya sila?
Ang tula ay para sa sektor nating pumapatay ng tao. Mga taong walang tamang pag- iisip. Mga taong hindi alam ang mga karapatang pantao.
MUNGKAHING GAWAIN
1. Magsaliksik tungkol sa partikular na kaso ng pagpaslang sa panahon ng kasalukuyang administrasyon. Matapos ay gumawa ng maikling reaksyong papel hinggil sa kasong nasaliksik.
PAGPATAY SA MAGKAPATID NA MAGUAD
Noong ika-10 Disyembre 2021, pasadong 2pm ng hapon na natagpuan ng ama na si Mr. Cruz Maguad na wala ng buhay ang kanilang dalawang anak sa sarili nilang tahanan sa Purok San Isidro, Brgy. Bagontapay, bayan ng M'lang sa Cotabato na kinilalang sina Crizzlle Gwynn at Crisvlle Louis "Boyboy" Maguad.
Bandang 3 emedya ng dumating ang ama ng mga biktima, na ang tatlong naiwan sa bahay ng mga oras na iyon ay ang kanyang dalawang anak na biktima at ang kinupkop na si Janice Sebial Emuelin na nagmula pa sa Kidapawan ay nanuluyan noong Hulyo 2021.
Pormal nang naghain ng kaso kanina sa provincial prosecutor sub office sa Kabacan, Cotabato ang mga magulang ng pinatay na maguad siblings sa Mlang, Cotabato biyernes ng hapon nitong nakaraang linggo. Bagamat hindi pa pinangalanan ng mga otoridad ang isa sa mga suspek. Umamin na umano si alyas Christine, sa krimen. Ayon sa salaysay ng ama ng mga biktima, inggit, selos at galit kay Gwen, ang dahilan kung bakit nagawa ng menor de edad na suspek ang brutal na pagpaslang sa kanyang mga anak. Matatandaan na si alyas Christine ay ang sinasabing adopted ng pamilya Maguad at ang nag-iisang survivor sa karumal-dumal na krimen. Nakapagpost pa ito na humihinge ng tulong matapos na umano’y pasukin sila ng tatlong mga kalalakihan at nilooban bago pinaslang ang magkapatid. Subalit kalaunan ay itinuring na person of interest ng mga kapulisan dahil sa mga pabago-bago nitong pahayag hinggil sa kaso. Sa ngayon wala pang opisyal na pahayag ang mga kapulisan hinggil sa kaso.Una ng sinabi ni Police Col Bernardo Tayong ang tagapagsalita ng Special Investigation Task Group na magpapatawag sila ng pulong balitaan sa lalong madaling panahon para sa update sa kaso. Kasalukuyang nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD si alyas Christine habang patuloy na pinaghahanap ang isa pang suspek sa karumal-dumal na krimen.
Hindi pa tapos ang proseso sa paghahain ng kaso at ito ay unang hakbang pa lamang para sa sinisigaw na hustisya para sa Maguad siblings.
Hindi karapatdapat ang juvenile na batas ni Sen. Kiko Pangilinan para sa mga menor de edad (18 pababa) ay nasa tamang husto'ng pagiisip na ang (15 pataas) upang pagbayaran ang krimen na nagawa. at hatolan ng parusa.
4. Nakasusulat ng araling akdang pampanitikang tumatalakay sa iba't ibang isyu ukol sa karapatang pantao.
Bawat tayo at mahalaga, kata naman bawat isa ay may karapatan. Kaya tayo, bilang tao ay may sarili tayong karapatan na dapat nating tinatamasa. Ang karapatang pantao o Human Rights ay dapat malaman ng isang simpleng mamamayang Pilipino. Ito ang mga kalayaang nararapat na matanggap ng isang tao. Mahalagang alamin ang mga iba't ibang karapatang pantao dahil makakatulong ito ng kapayapaan sa ating lipunan at sa lahat ng aspeto.
5. Mapahahalagahan anv dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan.
Mahalaga ang dinamikong ugnayan ng panlipunang realidad at ng panitikan dahil ito ay bahagi ng ating pagkapilipino at makakatulong ito sa pagpapayabong pa ng ating sariling wika.