AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG PANGKAT MINORYA: SA BAKWIT ISKUL
APRIL JOY G. NILLOS BSCRIM 2C
AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA SITWASYON NG PANGKAT MINORYA: SA BAKWIT ISKUL
1. Suriin ang sumusunod:
a. Pamagat: Sa Bakwit Iskul
b. Pangunahing Tauhan: Paking at Hanya
c. Tagpuan: Paaralan o Bakwit Iskul
2. Ano- ano ang pagbabagong naganap sa kapaligiran at kultura ng pangunahing Tauhan sa kuwento?
Sa tradisyon ng mga Lumad, hindi pinapayagan ng kanilang tradisyon na makipagpalitan sa mga babae kahit pa mga bata.
3. Ano- ano ang mga karahasang nararanasan ng mga Lumad sa kwento?
Pinapalayas ang mga Lumad sa kanilang komunidad, pinapatay, pinapalayas sa kanilang lupang ninuno at pinasasara ang mga Paaralan at sila'y tinatakot ng mga guro.
4. Ano ang kahalagahan ng pangalan ng pangunahing tauhan sa mundo ng mga Lumad ayon sa kuwento?
Ang pangalan ng pangunahing tauhan ay Paking na hango sa isang mandirigma na nakipaglaban para sa mamamayang Lumad.
5. Paano pinatapang ng mga pangyayaring kanilang naranasan ang mga tauhan sa kuwento?
Pinatapang ng mga pangyayaring kanilang naranasan ang mga tauhan sa kuwento dahil sa kanilang nararanasang pang-aabusi sa kanila sa kanilang komunidad.
6. Paano nahubog ng paaralang Lumad ang mga pangunahing tauhan?
Nagkaroon ng pananaw ang mga Lumad tungkol sa kanilang karapatan.
7. Ano- ano ang isyung tinalakay sa kuwentong sa Bakwit Iskul? Ipaliwanag.
Polusyon galing sa usok na ibinubuga ng mga malalaking pabrika at sasakyan.
Hindi binibigyan ng pantay-pantay na karapatan para sa mga Lumad.
8. Magbigay ng iba pang pilipinonv namatay bunga ng paninindigan sa prinsipyo at paglaban sa Mali sa kasaysayan ng Pilipinas. Ilarawan ang napili at isalaysay ang kanyang nagawa.
Si Lapulapu ay isang Datu sa puli ng Mactan sa Cebu, Pilipinas, na nakilala bilang pinaka unang katutubo ng kapuluan na lumabab sa mga taga- Europa. Siya rin ang dahilan ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino. Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si Lapulapu ay isang Muslim na nagmula sa mga Tausug.[11] Pinaniniwalaan din na si Lapulapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.[12]
Bilang isang pinuno ng Mactan, si Lapulapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapulapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at angkan ni Lapulapu. Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapulapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zula, kaaway ni Lapulapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang binuo ang paglusob sa Kaharian ng Mactan. Hatinggabi ng ika-26 ng Abril, taong 1521, nang si Magellan, kasama ng kanyang mga kapanalig na mahigit sa isang libo ay naglayag upang lusubin ang Mactan. Sa Opon kung saan matatagpuan si Lapulapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may 1,500 mandirigma ni Lapulapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang hukbo ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Mactan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapulapu si Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito na siya tuluyang pinatay ni Lapulapu.
9. Ano ang prinsipyo? Ano Ang kahalagahan nito? Ipaliwanag.
Ang prinsipyo ay paniniwala na mayroon ang isang tao. Ito ay maaaring tumukoy din sa kanyang pananaw o pagtingin sa ibang bagay. Ito ay nakatutulong sa atin sa paggawa ng mga desisyon. Mahalaga na magkaroon ng mabuti at tamang prinsipyo ang isang tao. Ito ay masasabi ding repleksyon ng pagkatao ng isang indibidwal.
10. Paano mo maipapakita ang iyong pagmanahal sa inyong kapwa at bayan?
Tutulungan ko ang aking kapwa sa pamamagitan ng pagbigay ng kunting tulong dahil kahit papaano may makakain sila sa panahon ngayon at maipadama sa kanila ang aking pagmamahal sa kapwa. Tutulinv rin ako sa mga Gawain sa aking bayan sa pamamagitan ng pagboluntaryo na tumulong sa mga nangangailangan.
11. Magbigay ng mga karapatan ng kabataan ang nalabag sa kuwento? Ipaliwanag.
Ang karapatan ng kabataan na nalabag sa kuwento ay ang karapatang makapag -aral dahil pinasasara Ang kanilang paaralan at sila'y tinatakot.