ISKWATER NI Luis G. Asuncion

PAGTATAYA
1. Ano Ang sentral na paksa ng sanaysay?
Ang sentral na paksa ng sanaysay ay iskwater. Lugar na kung saan nakatira ang mga taong walang sariling lupa na mapagtatayuan ng kanilang bahay dahil sa kahirapan.

2. Mayroon bang paksa na 'di tuwirang tinalakay sa teksto? Magbigay ng halimbawa.
Oo, mayroong paksa na'di tuwirang tinalakay sa teksto. Halimbawa ay yung mga mayayaman na nakikipagsiksikan sa squatters' area na animo'y nagpapasikat pa.

3. Ano ang layuning may-akda sa pagtalakay sa paksa? Ipaliwanag.
Ang layunin ng may-akda sa pagtatalakay sa paksa ay maipabatid sa mambabasa o sa ating lahat na hindi alam ang kanilang sitwasyon kung gaano kahirap ang kanilang pagtira sa lugar ng iskwater. Kung bakit ganon na lang ang nangyari na dapat ay mahihirap o ang mga taong hindi kayang magpatayo ng kanilang tirahan dahil wala silang pera upang makabili ng sariling lupa subalit nagbago dahil sa biglang pagsulpot ng mga mayayamang tao na hindi Naman dapat manirahan sa iskwater.

4. Ano-anong mga ideya ang sinasang-ayunan mo sa sanaysay? Bakit? Ano-ano Naman ang mga hindi mo sinasang-ayunan? Bakit?
Ang ideyang sinasang-ayunan ko sa sanaysay ng may-akda ay ang Ilang beses nang nagbanta ang pamahalaan na idemolis ang mga bahay rito pero Hindi nagtagumpay dahil na rin sa pakikipaglaban na hindi dumanak ng dugo, iti ay laban sa pamamagitan ng matiwasay na pakikipag- usap sa may katungkulan. Sang- ayon ako sa pahayag na yan dahil hindi lahat ng pakikipaglaban ay kailangang daanin sa dahas upang sila ay magtagumpay sa anumang gusto nila. Ang ideyang hindi ko naman sinasang-ayunan ay ang pagtira ng mga mayayaman sa iskwater.

5. Paano ka nakakaugnay sa mga kaisipang nakalahad sa teksto? Ipaliwanag.
Nakakaugnay ako sa mga kaisipang nakalahad sa teksto sa ideyang gagawin ang lahat para mabuhay sa kahit anumang pagsubok o estado sa buhay ay malalagpasan ito Basta huwag Lang susuko. Gaya ng mga taong naninirahan sa iskwater o ng may-akda na kung may pera lamang gusto ko rin mabigyan ng maayos na buhay ang aking pamilya.

6. Gaano kahalaga ang pagtalakay ng sanaysay sa paglilinaw sa konsepto ng iskwater? Nabago ba niti ang pananaw mo sa kahulugan ng iskwater? Ipaliwanag.
Marami sa atin ang hindi naiintindihan o walang alam kung ano ang buhay sa squatters'area. Karamihan ang alam kung ano ang iskwater ay lugar ng kriminal, mabaho at iba pang negatibong depinasyon maging ako. Subalit nagbago ang aking pananaw dahil nabigyang linaw ng may-akda.

7. Paano maiiugnay ang teksto sa realidad ng lipunan sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
Maiuugnay ang teksto sa reyalidad ng lipunan sa kasalukuyan dahil maging hanggang ngayon mas dumadami pa rin ang naghihirap sa bansang Pilipinas at mas dumadami na rin ang mga taong gusto na rin manirahan sa iskwater dahil sa kahirapan lalo na't ngayon ay kasalukuyan na rin nagkapandemya lingid sa kaalaman natin na mas nahihirapan ang lahat ng tao sa panahon na ito. May mga mayayaman din talaga na nakatira sa iskwater dahil ang mga taong ito ay natakot o umiiwas sa pagbayad ng buwis. Ang teksto na inilahad sa sanaysay ay nakabase lahat sa reyalidad na lipunan dahil kainlanama'y hindi mabigyang ng solusyon ng gobyerno puro lamang ito pangako hindi naman alam kung kailan ito tutuparin. Sa maraming nagdaan na panahon hindi pa rin umuusad ang ating lipunan dahil na rin sa nga pinanggagawa ng mga Pilipino na nakapagpababa sa ating bansa.

MUNGKAHING GAWAIN
1. Gawan ng concept map ang salitang iskwater sa loob ng kahon.

Popular posts from this blog

ISANG DIPANG LANGIT

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA DISPORA/ MIGRASYON: SARAH