ISANG DIPANG LANGIT

KABANATA 1 GAWAIN 2

MUNGKAHING GAWAIN

1. Basahon at suriin ang mensahe ng tulang "ISANG DIPANG LANGIT" Ni Amando V. Hernandez.

- Suriin kung anong uri ng tula? Anong teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri?
Maaari ito ay isang tulang elihiya dahil ito ay nagsasaad ng matinding kalungkutan. Bayograpikal at historikal ang teoryang pampanitikan ang angkop gamitin sa pagsusuri dahil pinapakita ang mga pagsubok na pinagdaanan niya sa loob ng bilangguan at mayroon siyang pag-asa na may pagkakataon na mabago ang kanyang buhay.

-Anong taglay na diwa/tema ang inilalarawan ng persona sa Tula.
Inilalarawan ng persona sa tula ay isang madilim at puno ng lungkot ang kanyang buhay at walang humpay ang kanyang pananalig na malampasan niya ang mga pagsubok na kanyang kinakaharap.

- Piliin ang pinakamagandang saknong na iyong nagustuhan at bakit mo ito napili.
Ngunit yaring diwa'y walang takot- hirap
at batis pa rin itong aking puso:
piita'y bahagi ng pakikimalas,
mapiit ay tanda ng di pagsuko

Ito ang saknong na aking nagustuhan dahil hindi siya sumuko sa buhay at kahit anumang hirap ang kanyang kinakaharap sa loob ng bilangguan buong puso niya itong tinanggap.

2. Ipakilala ninyo sa akin si Amando V. Hernandez sa loob ng 50 na salita.
Si Amando V. Hernandez ay isang makata at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga manggagawa". Ang kanyang mga tula masasalamin natin ang marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Hinirang na Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan noong 1973. Ipinanganak siya noong Setyembre 13, 1903.

3. Gawing maikling kuwento ang tulang "ISANG DIPANG LANGIT" ni Amando Hernandez.
Ang tulang ito ay ipanapakita ng isang bilanggo ng kahit anong pagsubok ang dumating sa kanyang buhay ay hindi niya ito sinukuan dahil mas naging matatag siya upang maipakita na Kung gaano siya katapang na harapin lahat ng pagsubok na iyon. Walang humpay ang kanyang pananalig na malampasan niya ang pagsubok na kinakaharap niya sa buhay.

Popular posts from this blog

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY

AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA DISPORA/ MIGRASYON: SARAH