AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA DISPORA/ MIGRASYON: SARAH

APRIL JOY G. NILLOS BSCRIM 2C

AKDANG PAMPANITIKAN HINGGIL SA DISPORA/ MIGRASYON: SARAH
1. Ano Ang ibig sabihin ng migrasyon- disintegrasyon?
Ang migrasyon ay isanv nakakalat na populasyon na Ang pinagmulan ay mula sa isang mas maliit na lokasyon sa heograpiya. Ang pangyayaring ito ang prosesong ginagawa ng mga indibidwal manirahan o mamasukan sa ibang pook o bansa.
2. Ilahad Ang konsepti Ni Sarah sa OFW. Sa iyong palagay, paano niya nabuo ang gayong nagpalakahulugan sa OFW?
Ang konsepto ni Sarah sa OFW ay mahirap, Hindi ganoon- ganoon lang at kung OFW ka Hindi makakapag-ipon, at pagnag-abroad mayaman. Nabuo niya ang ganitong pagpapakahulugan sa OFW dahil base na rin sa nararanasan ng kanyang Ate Meldy na ganon pa rin ang buhay. Wala silang nabiling bahay sa ibang lugar na kahit magtanda na sa kakatrabaho sa ibang bansa.
3. Ano ang konsepto ni Sarah sa pamilya? Ilahad ang mga gawaing nakaatang sa bawat isang miyembro ng pamilya ayon Kay Sarah.
Ang konsepto ni Sarah sa pamilya ay sama-sama, nagtutulungan at nagkakasundo.
Tatay. Siya ang hanapbuhay, nagdadala ng pamilya.
Nanay. Siya ang nag-aalaga.
Ate. Siya ang dapat na sinusunod ng mga magkakapatid.
Bunso. Siya ang pinakamasunurin.
4. Ilarawan ang pamumuhay ng pamilya ni Sarah bago magtungo ang kanyang ina sa Saudi Arabia upang magtrabaho doon
Ang pamilya ni Sarah bago magtungo ang kanyang ina sa Saudi Arabia ay napaka simple lang at payapa. Si Sarah ay naging tindera noon sa J-Macky's at siya ay nasa counter, tagabenta ng mga ulam P100 isang araw ang kita niya. Sa kanilang bahay naman ang kanyang ina ang nagluluto at naglilinis ang kanyang mga kapatid.
5. Ano- ano ang iba't ibang salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho sa Saudi Arabia? Ano-ano Naman ang dahilan ng mga OFW na iyong kakilala o nababasa sa mga pag-aaral?
Ang mga salik na nagtulak sa ina ni Sarah upang magtrabaho sa Saudi Arabia ay dahil sa walang permamenting trabaho ang daddy Ni Sarah, parang minsan mayroon, minsan Wala. Gusto rin ng nanay Ni Sarah na makapagtapos silang lahat ba magkakapatid at pagiging OFW na lamang ang tanging paraan. Ang dahilan Naman ng OFW na aking kilala ay para makapagpaggawa ng bahay, makapagbayad ng mga utang at masustenhuhan ang pamilya.
6.
7. Paano binago ang pangingibang bansa ng kanyang ina ang pagkatao Ni Sarah?
Mas naging responsable siya bilang isang anak ng OFW. Nagbo- volunteer siya sa mga gawaing bahay. Naggradweyt siya sa hayskul noong 2004 at kumuha siya ng exam sa city university sa kanilang lugar at Journalism ang kaniyang kinuha.
8. Ilahad ang kahalagahan ng kaibigan, kasintahan at kaanak sa buhay ng isang anak na ang magulang ay nangibang bansa para mapunan ang pangangailangan ng pamilya.
Napakahalaga ang mga kaibigan, kasintahan at kaanak sa buhay ng isang anak na ang magulang ay nangibang bansa dahil sila ang gagabay, tuturo at tutulong sa mga bata sa kanilang araw-araw na pamumuhay at pati na rin sa pag-aaral.
9. Ano ang kahalagahan ng spaghetti, sinigang at menudo sa pamilya Ni Sarah? Iugnay ang sagot na ito sa buhay nila noong hindi pa nangibang bansa ang kanyang ina/nanay?
Ang spaghetti, sinigang at menudo ang paborito ng pamilya ni Sarah. Ang kanyang ina ang nagluluto nito noong hindi pa ito nangibang bansa. Tuwing bertday niya, pinagluluto siya ng handa ng kanyang ina, depende kung may pera o Wala. Masaya at makulay ang buhay ng pamilya ni Sarah noong hindi pa nag- OFW ang nanay niya. Payapa ang araw nila ngunit Hindi lahat ng gusto nila nabibigay.
10.  Ano-ano ang nagsilbing coping mechanism ni Sarah upang maibsan ang pangungulila sa kanyang ina? Ipaliwanag. 
Ang nagsilbing coping mechanism ni Sarah upang maibsan ang pangungulila sa kanyang ina ay ini-ignore niya nalang ito at dinadaan niya lang sa joke. Kunwari magpapabili sya ng ganito, ganyan.
11. Bilang isa pang halimbawa ng creative nonfiction, ano-ano ang mga katangian ng binasang akdang ikinahusay?
Ang katangiang ikinahusay ng binasang akda ay sa pamamagitan ng pagsusulat ng kanyang talambuhay bilang isang anak ng OFW. Ang akdang ito ay marami Ang naka-relate sa totoong buhay. Maraming tao sa Pilipinas ang nangibang bansa para mabigyan ng maginhawang buhay ang kanilang mga pamilya.

Popular posts from this blog

ISANG DIPANG LANGIT

SANAYAN LANG ANG PAGPATAY